Tuesday, June 2, 2009

HAPPY BIRTHDAY TOTEE!


ngayon ay birthday ni TOTEE, itong babaeng to, hindi ko malaman kung bakit hanggang ngayon wala pang boyfriend. nagkaroon na ang lahat siya wala parin. well, nagkaroon naman siya, si M na chimoy, bwisit na bwisit talaga ako dun sa lalaking yun. pano kasi ang chimoy, tapos ang itsura, nakakasar. ang haba na malapad ang mukha niya, parang pader lang. :)) enough of him. sunod ay si A, okay naman si A, kaya lang, sobrang inosente. ewan ko ba. sinakop na ata nun lahat ng pagkainosente sa mundo. :)) hahaha. ang susunod ay si F. si F, okay yun. nagkakasundo kami ng lalaking yun. :)) okay na sana, may oto, mayaman, aba naman, kapag nagsama sila ni TOTEE, para silang magtatay. :))  alam mo naman si TOTEE, wala na ngang lalaki, choosy pa ang bruha. ayan kaya ngayon, walang lovelife si gaga. :))  marami ng lalaki ang na-link dito. :)) nandyan si MR. MVP, MR. HUSBAND MATERIAL, at si MR KABABATA. sa tatlong yun, wala siyang naging boyfriend diyan, hahaha. ang hina mo TOTEE! :)) pero wag ka, ang daming lalaki ang nagagandahan sa katawan niya, ewan ko kung ASAN BANDA YUNG MAGANDA SA KATAWAN NIYA. :)) hahahaha.


tama na sa lovelife. sa buhay babae naman ni TOTEE tayo magpunta. :)

simple lang ang buhay nitong babaeng to. kung may pera, lalabas kami. kung wala, LALABAS parin. :)) at libre ko. anak ng! :)) hahaha. walang ka-arte arte sa buhay to. hindi tulad ko, kailangan kapag aalis kami, kailanagan naka-make-up pa ko, siya, hindi, PULBOS lang, SOLVE na. :)) kahit sa pagkain, kahit ano kinakain niyan, kaya tignan mo tiyan niyan ang LAKI. :)) minsan kapag wala kaming magawa, pupunta dito sa bahay yan, kakain kami, sabay nood ng movie. minsan naman pupunta lang siya dito para manghiram ng nail polish. :)) minsan naman, wala lang, may ichchika lang siya sakin. kung magtataka kayo kung bakit kailangan pang pumunta sa bahay ko at hindi nalang niya itext, pasensya kayo, WALA SIYANG LOAD LAGI. :)) lagi kaming nagkakasundo nito, lalo na sa panlalait. :)) hahaha. halos sa lahat nagkakasundo kami. 


ngayon, ikkwento ko ang pagkakaibigan namin.


well, parehas kami ng school dati, grade 3 ako, grade 6 ata siya nun. hindi kami magkaibigan dati, jusko, LAGI KAMI NAGAAWAY DATI. nagmumurahan pa kami niyan. tawag niya sakin dati "LABANOS". at ako naman, "NEGRA". :))  ahaha. naging close kami magsimula nung lumipat sila sa tapat ng bahay namin. dun na nagstart ang magulo at masaya na pagkakaibigan namin. :)) lagi na kaming nagbbonding. :)) hanggang nagyon, sobrang close na kami. :) saya diba. minsan nagaaway kami niyan, pero isang araw palang ang nakakalipas, bati na kami. hahaha. kapag pinagsama mo kaming dalawa, wala na, murahan diyan, batukan dun, kwento dun, kwento dito. lait dun. lait dito. hahahaha. ganun lang kami. minsan may iyakan na nagaganap. minsan may asaran. lalo na kapag magkasama kami tapos may pasok, asahan mo, hindi na kami papasok. :)) 



so, TOTEE, ngayong at matanda ka na, sana naman magkaboyfriend ka na. :)) SANA LANG. at kelan ang celebration, ano yan, naka-nganga lang kami. hindi pwede yan. DABAR NA! =)) o kaya pa-ice cream ka naman. :)) hahahaha



TOTEE, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi para sayo. alam mo naman na yan. nasabi ko na lahat sayo yan. :) 



HAPPY BIRTHDAY! love you! 

0 comments:

Post a Comment

 

Blog Template by YummyLolly.com - Header made with PS brushes by gvalkyrie.deviantart.com