Monday, May 18, 2009

tapos na. :)

2 days straight without his text, KAYANG KAYA. :) i guess start na to ng pagmove on ko. :) tama na ang KILIGAN moments, ang sweet moments, tama na lahat. wala na. :) atleast hindi ako nagexpect. alam ko din naman na matatapos agad yung "relationship" na yun. :) relationship ba tawag dun? i guess NOT! :) pampalipas oras lang ata yun. :) or LOKOHAN lang? hindi ko din alam kung pano natapos yun, basta tapos na siya. well, all i can say is SALAMAT. :) pinakilig mo naman ako kahit papano, kaya good job! LOL! :)) GOOD LUCK! :)

Friday, May 15, 2009

tamang blog :))

just got home from festi. nagkita kami ng friends ko. mga 1 hour lang kami nagstay dun, ay, ako lang pala, medyo late kasi ako dumating. e pano yung parking sa festi hindi puno. :)) so ayun, may nakausap ako, SIYA. :) im happy to see him again. pero saglit lang kami nagusap. baka may makakita. mahirap na. LOL! :))


nagbblog ako ngayon kasi wala akong magawa. nakatambay ako dito sa bahay ng friend ko. kami lang dalawa, pano hindi pa dumadating yung iba. usuall kasi dito, hindi nauubusan ng tao. :)) laging may tao dito. laging PARTY. :)) so ngayon, parang may namatay, dalawa lang kami, and guess what kung anong ginagawa niya! nanunuod ng tv, ang palabas? ONE MORE CHANCE. yuck lang. :)) hahahahah. :P edi siya na ang madrama. kulang nalang umiyak siya dito. :)) pero okay lang. chill lang kami dito. food trip ng chips. at yung chips, umaapaw. ang dami lang. :))


ang tagal lang ng iba! nakakabored. pagdating nila, maglilinis naman sila ng caroo ko. :)) kasi tong mga friend ko, marunong magalaga sa sasakyan at sobrang linis sa sasakyan. kaya ayan, pati sasakyan ko, gusto na nilang linisin. edi sige, GO! :))


mamaya pala, manunuod kami ng sine ni TOTEE. :) e 9 pa yung start. akala ko naman wala muna kaming gagawin, aba, e biglang nagtext yung babe niya, sabi maglalaro daw sila mamaya kalaban babe ko, (LOL). at gusto niyang manuod, kung ako lang, AYOKO. :)) e gusto niya daw makita maglaro babe niya, edi bahala siya, tsk!


ayun lang ang kwento ko for today. :)) pansin mo 2 blog ko na ang nakatype sa tagalog? e pano kasi, nahawa ako sa blog ni TOTEE, tagalog na tagalog din. :)) hahahaha. yaan mo na. pilipino din naman ako no. hindi lang halata. :P

Tuesday, May 12, 2009

happy birthday! :)

May 11, mga 12 am, binati ako ng mga special na tao sa buhay ko. AYIEEEE! hahahahaha. :P tapos gising ako hanggang 3 kasi katext ko yung friend ko, akala ko babatiin niya ko, HINDI PALA. hanggang ngayong hindi niya pa ko binabati. tsk tsk. 

so nung umaga na, nagising ako ng maaga kasi sinundo ko pa yung kapatid ko sa bf, sabay bati sakin, "happy birthday at Vanessa!". let me tell you about my brother, simple lang, cute siya, pero he's ANNOYING. :) hahahaha.


paguwi ko, nagtext na ang 2 malandi. :)) celebrate daw namin yung birthday ko, ako naman, GO LANG! :)) bumili kami ng ice cream sa mightee mart at kumain ng cheesecake sa magandang place sa village namin. :) okay naman, masaya kahit ganun lang ang trip namin. :) 

nakauwi kami ng mga 3, hinatid ko si RHINA sa bahay nila at nalaman na naupuan niya yung chocolate na binigay ko sakanya, so, nagkalat sa upuan ng sasakyan ko. TSK! paguwi ni TOTEE, pinagalitan siya ni MADAM (her sister), hahahaha. pano hindi sineseryoso ang pagttrabaho. :)) patambay tambay lang. PETIKS. :P

paguwi ko, napalinis ako ng sasakyan dahil sa ginawa ni RHINA. :)) natapos ako mga 5 na. nakipagchat pa ko. tapos naligo kasi magpapablower ako ng buhok. :) (birthday ko e! bakit ba. hahahaha)

bago ako magpablower, pumunta muna ako sa bahay ng friend ko kasi dumating yung 2 friend namin na galing barko. :)) PAIMPORTANTE. kailanagn pang puntahan, wla naman pasalubong sakin.  tsssss.... hahahaha. :P saglit lang ako dun at sinundo si RHINA kasi gusto niya daw umalis sa bahay nila, so ayun, sinamahan niya ko magpablower. :) 

6:30 na ko nakauwi, at nagtetext na si CY! pinapagalitan daw siya ng lola niya, kasi 6 daw ang usapan na susunduin siya sakanila. e 6:30 na, nagbibihis palang ako. tsk. so ayun, sabi ni CY, hindi na daw siya sasma kasi late na kami makakadating sakanila, at hindi daw siya pwede ng late umuwi kasi 6 am pa daw ang duty niya kinabukasan. :(

tinawagan ko na si mommy at sinabing aalis na ko, ABA! guess what! hindi pinagamit sakin ang saskyan ko. magpasundo nalang daw ako. BADUY talaga minsan ni MOMMY! pero okay lang, atleast hindi ako napagod. :)) at buti nalang kasi yung mga kaibian na kasama ko mahilig kumarera, so kung nagdala ako ng sasakyan, baka nandun na sila sa resto, ako papunta palang. :)) hahahaha.so sinundo ako no REN (my guy bestfriend). at pumunta na sa MANONG's sa Festival. 6 sila na lalaki at ako ang muse nila. :)) hahahaha. pero its all good. kasi lalaki din ako kapag kasama nila ako. :)) pagdating namin dun sa resto, order agad kasi medyo gutom na kami. :)) 


ang mga ORDER:
sinigang na bangus
sinigang na baka
crispy buntot ng tuna
chicken lollipop
bottomless iced tea
3 san mig light 

ang BILL:
2,500. :)

so pagkatapos namin kumain pumunta kami ng BF, at may pinuntahan kami na CHIC ng kasama namin. :)) TIBAY NIYO LANG! :)) so nagpicture picture nalang kami ni REN sa sasakyan. :)) 

nakauwi ako ng mga past 11:30. :) kasi akala ko may naghihintay sakin at gusto ako kausapin, e wala pala. :| so tumambay saglit sa tapat ng bahay namin kasi paguwi ko nandun yung 2 kong friend, si TOTEE at PAULO. :)) napauwi na kami kasi medyo nagbabatukan na kami at masakit na siya. hahahaha. :)

so, ayun lang ang nangyari sa birthday ko, nothing special. :) pero masaya naman. :) so ayun, tapos na ang kwento ko, HAPPY BIRTHDAY SAKIN. :) 


note: TAGALOG na TAGALOG diba? :)) hahahaha
 

Blog Template by YummyLolly.com - Header made with PS brushes by gvalkyrie.deviantart.com